Home » Post Item » "Impyerno" ang High School! Astig! :D
Writing is easy. You just stare at a blank sheet of paper until drops of blood form on your forehead.

"Impyerno" ang High School! Astig! :D

April 9, 2009

 

Sabi ni Grant Gilmore, ” The better the society, the less law there will be. In heaven, there will be no law…IN HELL THERE WILL BE NOTHING BUT LAW, and due process will be meticulously observed.”

Sa ubod ng dami ng rules and regulations nung high school, matatawag mo ngang “impiyerno.” Bawal ang cellphones (may kapkapan factor pa sa gate), bawal ang may kulay na bra, at may *zoning pa silang nalalaman na hindi naman nasunod. (*may mga buildings DAW na para lang sa college, bawal DAW pumunta ang high school don)

Pero kahit ganun, enjoy naman high school ko.

Noong high school, medyo nanibago ako…Para kasing wala ng pakialam ang mga teachers (di katulad nung elem, binebeybi ka), kung noong elem padamihan ng dalang gamit, nung high school pakontihan, tapos halos matatanda ang mga teachers (pis!), di katulad nung elem mga bata at may itsura kaya gaganahan kang mag-aral, may mga alyas o bansag sa mga teachers (kahit yung mga mababait),  parang legal ang pangongopya, ang P.E puro sayaw-sayaw (yuck!), at higit sa lahat, bagong classmates, iba-iba ang nagiging kaklase ko taun-taon… Unang pasok mo palang, kita mo na yung mga “geeks” na libro-teacher-blackboard lang ang laman ng utak, meron din namang first day of school, first period palang, isang dosena na ang kaibigan, meron ding patapos na ang klase, tatatlo lang ang kaibigan, may mga babaeng mukhang model ng AVON make-up sa kapal ng dekorasyon sa mukha, meron din namang mga lalaking pwede na ring maging model ng Gatsby wax at Johnson’s baby powder, may mga kengkoy sa klase, mga matatalino at matalinaw (mahilig mangopya). Iba-ibang tao, iba-ibang personalidad. Every year, siguradong madaming kalokohan , may konting tampuhan, may mga lab team din na nabubuo… Ibang-iba ang atmosphere kumpara mo sa elem. Ibang-iba ang high school.

Tutal gagraduate na ako, mangungumpisal na ko sa mga ginawa kong kagaguhan nung high school..

>madalas akong mag-cutting classes lalo na kapag ayoko ng lesson tsaka pag MAPEH na tsaka CAT, kakapagod kasi eh ang init pa sa labas! (pero hindi naman ako naglalakwatsa, sa library lang ako tumatambay nagbabasa-basa tsaka doon malamig eh!)

>lagi akong nagpapakopya (…at nangongopya rin) sa test

> nagsusulat kami ng kung anu-ano sa mga desks

>ginaya ko ang pirma ng nanay ko sa isang excuse letter

>kalahati sa mga dahilan ko sa excuse letter ay pawang mga kathang isip lang

> madalas akong late (minsan sinasadya ko)

>minsan nagpapagawa lang ako ng projects lalo na kung kailangan ng artistic talent (mga drawing2 mga kulay2)

>madami akong rules na nilabag hindi lang halata na may pagkasiraulo ako kaya hindi ako nahuhuli ( kung tutuusin, dapat matagal na akong na-kick out kung nahuhuli lang nila ko)

hm… oo, madami akong ginawang kalokohan (I’m sure kayo din, baka nga mas madami pa yung inyo! haha’ :D )

Apat na taon sa high school… 1/4 ng buhay ko (kung titigil na ko sa sixtyn)… pero , may natutunan ba ko?

-Natutunan ko ang iba’t ibang parts of speech, figures of speech at kung paano gumawa ng thesis/research paper.

-Nakilala ko si Florante, Ibarra, Simoun at Sisa.

-Natutunan kong mag-factor ng quadratic trinomial, nalaman ko ang ibig sabihin ng “sin” , “cos” at “tan” sa scientific calculator, ang obtuse, acute at right angles natutunan ko din. (isama mo na din ang Logarithm)

-Nalaman ko ang iba’t ibang species at kingdom, nakabisado ko ang symbol ng mga elements, natuto rin ako g Laws of Motion.

-Nakilala ko sina Hitler, Nero, Zeus, Newton, Lam-ang, si Little Prince (pati pala si Velveteen Rabbit)

-Natuto akong mangopya at magpakopya tuwing exam, dito ko nalaman na pwede palang matalbugan sa score ng nangopya ang nagpakopya. :D

-Nalaman kong mahirap palang gawin sa loob ng isang araw ang project na dapat ay dalawang buwan ginagawa. :D

-Nalaman ko din na kapag naglalakad minsan dapat ka ding tumingin sa sahig lalo na sa may finance, dahil pwede kang makapulot ng pera. Dba jizelle?? haha’ :D

-Nalaman ko din na ang ibang teachers, biglang nagchecheck ng notes kaya mas maganda ng magsulat ka.

- Nalaman ko na kahit pala ko ang pinakabobo sa Filipino ( oo ayoko ng Filipino mula pa nung elem ), pwede rin pala akong makakuha ng mataas sa periodical test. :D

-Nalaman ko rin na habang tumatanda ka, dumadami ang problema at ilang beses ka ding madadapa. Bumangon ka man o hindi, iikot pa rin ang mundo, at mauubos ang oras.

-aksidente, hindi ko inaasahan, nalaman ko na….. minsan….masarap din palang mag-review… :D

 

Nalaman ko na ang  buhay ay para ring exam. Pero hindi lang ito isang multiple choice na test na pwede mong hulaan, essay ito na isinusulat mo araw-araw. pero ang maganda dyan, dito allowed ang erasures. At tulad ng isang test kapag oras na, kailangan mo ng ipass,tapos ka man o hindi. Oras na para husgahan ang ginawa mo. Hindi ka huhusgahan base sa dami ng pera sa wallet mo o kung gaano kalaki ang laman ng bank account mo, hindi rin base sa kung gaano ka kasikat at kung gaano kadaming tao ang nakakakilala sayo. Huhusgahan ka base sa nagawa mo para sa iba, at kung paano ka nakaapekto sa buhay nila. Huhusgahan ka kung may kabuluhan ba o wala ang naisulat mo sa libro ng buhay mo…. :)

Posted by crotchet at 6:40 pm | permalink

Previous Comments

awww… nagka-nostalgia ako sa high school days ko, ah… nakaka-miss ang hayskul…

Ako, nakalimutan ko na ang trinomial trinomial na yan. Ung mga cosine tangent na yan. Ay naku, as in! Wala na akong idea kung anu-ano ang mga yun. Pati mga concepts & laws ng science, symbols ng elements, etc., etc. Hate ko kasi ang math & science… Pero, gusto ko naman ang filipino. hehe

i-treasure mo ang mga karanasan at alaala mo nung high school. Ibang-iba na sa college.. Kanya-kanya na, at mahirap ang mga pinag-aaralan. Wala nang kopyahan. Mahirap magka-friends dahil bawat sem ay iba-iba ang nagiging kaklase… At marami pang iba…

Pero, enjoy naman dahil marami kang matututuhan at kung gusto mo naman ang course mo.

Muli, good luck sa college life! Nakakapanibago at mahirap talaga sa umpisa, pero sanayan lang yan. :)

Posted by xdalisayx at May 23, 2009, 12:36 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment