Home » Post Item » …iba’t-ibang uri ng mga manginginom… :D
Writing is easy. You just stare at a blank sheet of paper until drops of blood form on your forehead.

…iba’t-ibang uri ng mga manginginom… :D

April 16, 2009

 

oo, umiinom ako dati…pero ngayon hindi na masyado… ( uyy…nagmamalinis!.haha’)

sa dami ng mga nakainuman ko, iba-iba na rin ang mga ugaling nakita ko lalo na kapag may tama na…

eto ang iian sa mga uri ng tomador na pinoy :D :

 

1. Da Manager-

                     eto yung palaging taya sa inuman.siya yung palaging nagyayaya, siya rin ang may sagot sa halos lahat ng gastusin mapa-pulutan man yan o yung pambili ng yelo na gagamitin… kapag hiningian mo, siguradong bubunot ng pera lalo na kapag wala ng nakahapag na alak.

2. KUNG FU MASTER-

                     KUNG FUmulutan, malupet!. eto yung ginagawang kanin ang pulutan…hahaha’  yung tipong, kulang na lang makipagpatayan para sa pulutan…(parang nakipaginuman lang para makakain) :D

3. Sleeping Beauty-

                     eto yung bigla na lang susobsob sa lamesa…magugulat na lang kayo, hindi na kumikibo. yun pala, na-Knock Out na…aha’ :D

4. The Flash-

                      ang ganitong uri naman ng manginginom ay yung bigla-bigla na lang nawawala na parang bula. eto yung mga tumatakas sa inuman lalo na kapag may tama na. kasing bilis din nila si Flash lalo na sa oras ng bayaran. :D

5. ACTIVE at PASSIVE HIKERS-

                       may dalawang klase ng HIKERS… ang unang klase ay yung ACTIVE, sila yung palipat-lipat ng upuan para sakanila lahat ng tagay… :D yun namang PASSIVE, palipat-lipat ng upuan para makaiwas sa tagay…(mahilig mag-pass) haha’ :D

6. TANGGERO o GUNNER-

                       eto naman yung may hawak ng baso at pitchel…ang mga madadaya sa inuman..kasi doble yung tagay mo kesa sakanila, kaya hindi sila agad nalalasing. :D

7. HOMEBOY o YAYA-

                        isa sa pinakaimportanteng klase ng manginginom…eto yung uto-utong, sunod lang ng sunod sa utos ng grupo..siya yung tagabili ng alak, taga-chop ng yelo, at higit sa lahat, taga-ligpit ng pinaginuman at tagalinis ng suka… :D

8. ANABEL RAMA-

                         eto yung kapag nalasing, sobrang daldal at sobrang dami ng kwento…yung tipong magsasawa ka na lang sa pakikinig… (kadalasan, tahimik sila kapag wala ng tama…kapag normal na ulet…haha’ ) :D

9. Da Incredible Hulk-

                          katulad ni Incredible Hulk, eto yung mga nagtatransform. mga manginginom na kapag normal ay napakabait at tahimik lang.pero kapag nalasing, nagiging Incredible Hulk na… laging naghahamon ng away at nasasangkot sa gulo… :D

10. Da Originals-

                           eto yung lagi mong kasamang umiinom… tuwing may inuman, laging present… :D

        

          –ilan lang yan sa mga klase ng manginginom…sa tingin mo, sino ka dyan?? :D

Posted by crotchet at 8:42 pm | permalink

Previous Comments

..anabel rama ako jan

Posted by jhoy jhox at August 14, 2010, 11:30 am

..ibat ibang mnginginom..haha

Posted by jessica sanchez at December 30, 2010, 12:59 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment