Home » Post Item » mga uri ng manliligaw… (PINOY STYLE) :D
Writing is easy. You just stare at a blank sheet of paper until drops of blood form on your forehead.

mga uri ng manliligaw… (PINOY STYLE) :D

April 17, 2009

eto ang iba’t-ibang uri ng manliligaw na pinoy:

1. Mr. Gwapings
             

                  –mayaman, gwapo, kilala..mataas ang confidence nya na hindi sya mababasted, kaya pag nabasted..maapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at take note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihing “sus kala mo kung sinong maganda e pinagtyatyagaan ko lang naman sya!”

2.  Mr. Quickie

                  –ang uri ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam na sabihin kundi “kelan mo ba ako sasagutin?” o
kaya “i love you na, ako ba hindi mo pa lab?” kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.

3.Mr. Everything

                  –linya nya ang “sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magustuhan mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo.” ! @#$ ka na pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan. :D
 
4.Mr. Stalker

                  –eto yung klase ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na “kumain ka na ba?” pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong “nsan ka ngayon?” “sinong kasama mo?” “anong ginagawa mo?” at kung anu-ano pa. basta tungkol sa daily activities mo kelangan malaman nya.

5. Mr. Salesman

                  –dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang sya mas matindi mang-uto. yun bang
tipong..”ang ganda ganda talaga ng mga mata mo..” o kaya “ang kinis kinis mo” o kaya “ang lambot ng mga kamay mo” at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang.

6. Mr. Good Dog

                 –eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan.

7. Mr. Anonymous

                 –motto nya ang “action speaks louder than words”. wala kang kaalam-alam, nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. hehe!


8. Mr. Take it or leave it

                 –pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at heto pa, hinding hindi ka na nya papansinin. period.

9. Mr. Romantiko

                –jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at laging may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw. pero madalas nakakapagpakilig sya ng nililigawan nya dahil sa kanyang “malinis na hangarin” awww! :D

10. Mr. Second chance

                –sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 tayms mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya parin “Please give me a second chance”

>>hehehe’ iilan lang yan sa mga uri ng manliligaw…hm..ikaw?saan ka nabibilang?? :)

Posted by crotchet at 5:10 pm | permalink

Previous Comments

bagay to sa mga taong kaylangan ng mga advices at para malaman ang ugali ng manliligaw niya… nice website huh….

Posted by irish ivy at March 17, 2010, 6:30 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment