mga uri ng nililigawang PINAY… :D
April 17, 2009yung nakaraang post ko, nilista ko yung iba’t-ibang klase ng mga manliligaw na pinoy…so ngayon naman, isusulat ko yung iba’t-ibang klase ng nililigawan na pinay…
oh,heto na ang ilan sa kanila
:
1. Ms. Suplada
–babaeng masanggi mo lang ng konti ang buhok ay iirapan ka na at sasabihang bastos. Ang ilan rin sa kanila ay pa-sosyal at parang nasapian ng kaluluwa ni Kris Aquino sa galing mag-TAGLISH..haha’ Ang mga ganitong uri ay di nadadaan sa pagpapacute at pagpapapresko. Ok lang sana kung maganda, kaso karamihan sa kanila, walang hitsura.hahaha’ (pis!
)
2. Ms. Maria Clara
–mga sinaunang babae na medyo may pagka “man-hater.” Kalimitang may mga kamaganak o tiyahin na sa edad na singkwenta ay dalaga pa rin.hehehe’
3. Ms. Pakipot
–gusto rin naman, ayaw lang ipahalata. Aayaw-ayaw pero sa bandang huli bibigay din.nyahaha’
4. Ms. Bili mo ko nyan
–sila ang walang pakialam kung wala ka nang perang natitira o kung meron man ay pamasahe mo na lang. Madalas makita sa mga mall at lahat ng magustuhan ay ipinabibili sa nanliligaw.
5. Ms. Dabyana
–matakaw, malakas kumain at walang pakialam kung puno na ng mantika ang buong pagmumukha. Di alintana ang mga taong nakitingin. Basta ang mahalaga, makakain! wahaha’
6. Ms. Diyeta
–kabaligtaran ng Dabyana. Conscious na conscious sa kanyang diet. Ayaw ng rice or carbs. Umiiwas sa mga chocolates at cakes dahil nakakataba. Sang ihip lang ng hangin, matatangay na sila dahil sa nipis ng kanilang mga katawan.
7. Ms. Kikay
–mga babaeng laging may dalang pampaganda. Ok lang sana kaya lang pati sa dyip, naglalagay ng harina sa mukha para daw di oily ang skin nila. wehehe’
8. Ms. Anabel Rama
–bungangera. walang sinasanto. Ma-late ka lang ng isang minuto, sermon na ang aabutin po. Pinalalaki kahit maliit na issue.haha’
9. Ms. Jealousy
–kahit wala kang ginagawang masama, magseselos. Madaming insecurities sa buhay ang taong ito na kahit aso, pinagseselosan..
10. Ms. Career
–ang taong inuuna ang karera sa buhay instead of love. Love can wait ang motto nito. Ayaw sa mga lalaking simple lang ang pangarap sa buhay.
–oh ayan…sinu ka dyan??
kung wala ka sa mga nabanggit, mapalad ka…hahah’ apir!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.






