Home » Post Item » Starbucks :D
Writing is easy. You just stare at a blank sheet of paper until drops of blood form on your forehead.

Starbucks :D

April 17, 2009

 

Chocolate Cream Chip, Mocha Frappe at kung anu-ano pang flavors ng kape. Yan ang makikita mo sa Starbucks. Itinuturing ng marami na pambansang kapihan ng bayan. Parang kabuteng nagsulputan sa iba’t ibang parte ng bansa. Tinalo pa nito ang ilang mga malls at fast food chains. Para bang naging adik sa kape ang buong sambayanan. Mabilis pa sa ihip ng hangin na gumastos ng mahigit 100 pesos para sa isang Grande iced coffee. Sa halip na gastusin ang nasabing halaga sa ibang mas importanteng bagay ay nagpapakalunod ang karamihan, not to mention call center peeps, sa isang baso ng kape.

At hindi yan kape ha! Yan ay ayon sa mga social climber na estudyante. “Starbucks is not coffee. They are ground beans with processed chocolate and skimmed milk” Pero kung susuriin mo naman, ano nga ba ang laman ng iniinom nila? Hindi ba’t kape! Starbucks is coffee. Period. No erase.haha’

Matalino ang sinumang nagdala ng Starbucks dito sa ating bansa. Pumatok talaga ang marketing strategy. Isipin mo naman, ang isang tipikal na pinoy na gustong magpakasosyal, pupunta doon at oorder ng kape. Uupo sa gilid na kung saan ay makikita siya ng maraming tao na walang pangkape. Aantayin tawagin ng barista ang pangalan nya. Kukuha ng napakaraming tissue paper bilang souvenir. At siyempre, matagal nyang sisipsipin ang kape para mafeel ang ambiance ng sikat na coffee shop. Pathetic!

Wala akong galit sa Starbucks. Sinasabi ko lang ang aking point of view tungkol sa paanong ang isang kapehan ay nagawang baguhin ang isang tipikal na pinoy.


Nagstastarbucks din ako. Period.

Posted by crotchet at 7:18 pm | permalink

Previous Comments

hmmm… pop culture…

ewan ko nga ba bakit dinudumog ng mga pinoy yang starbucks… naobserve ko lang sa mga mall, nagsisiksikan ang mga tao sa starbucks, at nilalangaw naman, walang kakostu-kostumer ang mga katabing coffee shop… nalulula ako sa presyo ng mga tinda ng nabanggit mong pambansang kapihan… at alalahanin nating panlima raw sa pinakagutom na bansa ang Pilipinas sa mundo…

hay…. nung una akong pumasok sa starbucks - ito ay dahil may ginawa kaming research about this, na ang groupmates ko ang may gustong i-topic sya - iba talaga ang atmosphere, ang ambiance… para akong pumasok sa ibang dimensyon…. senxa na, nasa ibaba ng middle class e…

hehe, pis!

Posted by xdalisayx at April 17, 2009, 11:03 pm

I’m suppose to be looking for the contact numbers of starbucks matalino for work purposes. pero na click ko tong blog mo and nabasa, kaya pa-comment na rin. ;)

I don’t understand either kung bakit hip na hip ang tingin ng mga tao sa kapehang ito. tingin ko over rated ang mga kape at inumin- i’m not a coffee drinker, cream based or tea lang.

There are more coffeeshops na mas masarap ang brew nila, take figaro for example, bo’s coffee at marami pang iba.

Kung may pagpipilian ako, hindi ako nag-i-starbucks, pero sila parati ang malapit kaya ok na rin.

Posted by rich at July 14, 2009, 10:45 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment