Home » Post Item » ang tanong na nakakasira ng ulo… :D (ang misteryo ng "kisses")
Writing is easy. You just stare at a blank sheet of paper until drops of blood form on your forehead.

ang tanong na nakakasira ng ulo… :D (ang misteryo ng "kisses")

April 18, 2009

 

uy, natatandaan niyo pa ba nung elem., nung sikat pa yung “kisses”?? hindi yung kisses na kinakaen ah…yung kisses na bilog,yung maliliit na may pagka-transparent na mabango…yung iba-iba ang kulay pero kadalasan, color pink…

oh,naalala niyo na?usong-uso yon dati diba?kasi sabi nila, nanganganak daw…

hmm…nanganganak nga ba talaga yon???hahahaha’

dahil na-curious ako noon, sinubukan ko din mag-alaga ng kisses…haha’ (oi!wag niyo kong tawanan, kayo din niyan eh! :D )

alam ko, dalawang pack pa ang binili ko nun eh…isang pack ng color pink tsaka isang pack ng color green… kasi iniisip ko dati, panu manganganak yon kung walang asawa…bale yung pink yung babae yun namang green, yung lalaki…haha’ oh diba?.nag-iisip ako nun… haha’

dahil nakikita kong binabalot nila ng bulak tsaka nilalagyan ng pulbos,, ako naman si engot, nakigaya-gaya din…umaasang manganganak din sila…

pero napansin ko, kahit araw-araw kong nilalagyan ng pulbos at kung anu-ano pa (nilalagyan ko din ng alcohol yon, sabi kasi nila mas mabilis manganak pag may alcohol.. :D ),pag binilang ko, 50 parin…(malaking effort sakin yung pagbibilang nun araw-araw ah!hehe’)

kaya ayun!nagsawa akong kakaalaga sa mga kisses ko kaya tinapon ko na lang sa kanal…

pag tinatanong ko dati yung mga kaklase ko kung yung sakanila nanganganak, sinasabi nila, oo daw…ipapakita pa nila saken yung mga kisses nila tapos ituturo yung mga medyo malalaki na ayon sa kanila, “buntis” daw…tapos yung mga maliliit naman daw, yun yung mga bagong panganak…hahaha’

hanggang ngayon, bumabagabag pa rin sa isip ko ang isang malaking tanong….

NANGANGANAK NGA BA ANG KISSES???

*pumasok din kasi sa isip ko ang posibilidad na kaya siguro yung akin hindi nanganganak kasi BAOG yung mga nabili ko…hehe’

 

               –isa nanamang walang kakwenta-kwentang post ni tadz… :D  

Posted by crotchet at 7:07 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment