KABAYO tyo… :D
April 25, 2009Mahilig ka ba sa kabayo?
mahilig ka bang sumakay sa kabayo?
tumataya ka ba sa karera ng kabayo?
uhm…Mukha ka bang kabayo?(hehe’
pis!)
sa tingin mo, ano ang dahilan ng kabayo para manalo sa karera?Hindi mo alam? Hindi ko din alam, hindi naman ako kabayo eh. Pero ang alam ko, tumatakbo sila dahil sa sakit na nararamdaman nila sa bawat pagpalo at hampas ng hinete o ‘yung taong nakasakay dun sa kabayo.
Gusto ng hinete na manalo sila ng kabayo niya. Sinasaktan niya ito para mas bumilis ang takbo. At dahil nga sa sakit na nararamdaman ng kabayo, mas napapabilis ang pagtakbo niya. Kahit hindi niya alam kung ano’ng mapapala niya kung marating niya ang dulo ng karera. Pero iisa lang ang kanilang layunin ng hinete at kabayo… Ang manalo sa karera.
Sa totoong buhay, nakikipagkarera din tayo. Mismo. Ang buhay natin ay isang karera. Tayo ang nagmimistulang kabayo…at sa bawat pinapataw na mabibigat na pagsubok sa atin..Sa bawat hagupit na pinaparamdam sa atin…iisa lang ang layunin nun..gusto tayong manalo sa nilalabanan nating karera.
Kaya kapag naramdaman mo ang mga problema mo, huwag kang manghihina. Huwag kang susuko. Dahil sa oras na makapunta ka sa finish line, may makukuha kang gantimpala. Hindi pa natin alam kung anong gantimpala ‘yun, pero huwag kayong masosorpresa, kung ang makuha ninyong premyo ay…. DAMO.
Tandaan mo, isa kang KABAYO.
~medyo may kwentang post ni tadz… haha’ apir!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.






