abot ko ang mundo… :D
April 26, 2009
Sino ba sa inyo ang mga Globe users?Taas ang kamay…isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim…aw, syet ang dami..haha’ ako rin eh, Globe user ako..marami kasi akong kamag-anak, kaklase, kaibigan, tsaka mga kalandian na Globe kya nakigaya na rin ako…hehe’ Saka ang mga Globe users, mga elite yan!.inuulit ko, ELITE . . .hm… oo ka na lang!haha’ (tandaan mo, blog ko ‘to…teritoryo ko ‘to..hehe’)
Ayus nmn ang Globe eh, actually malapit na nga akong ma-inLAB kay 2346 tsaka kay 2977 dahil oras-oras ata may mga paalala sila saken…hehe’ napaka-concern tlga nila…nahihipuan ako tuwing magttxt sila…(nata-touch…haha’) Pramis. Di nila ako nakakalimutan, minsan nga naisip ko buti pa sila naaalala ako. (Sabay hinga ng malalim) Iyon nga lang, minsan nabubuwisit na din ako kase ba naman, excited na ako kung sinu ang nagtext, tapos ang mababasa ko lang “Gusto mo bang manalo ng sangkaterbang pera at cellphone?, Maari kang manalo dahil sa load mo kahapon!” . . hay badtrip kinuha ko pa naman ang selepono ko sa pinaka hilalim hilaliman ng aking napakalalim na bulsa…
Tapos nakalagay dun sa huli…Reply stop kung ayaw mo na makatanggap ng adbertisment, 2.50 per text..eh dahil sa ayaw ko na talaga, nareplyan ko na yun one time…Pag text ko ng STOP meron ulit reply na “are you sure you want to stop?” Tapos text naman ako “sure” Engks. Invalid answer, dapat daw “Yes”. So another 2.50… LOL. haha’
Loko lang po.(gawa2 ko lang yon)Baka magalit ang globe sa akin at di na ako pagamitin ng UNLI…haha’
Diba noong unang panahon (wow!unang panahon…hehe’) wala pang mga unlimited text?Kaya kikiligin ka pag may nagtext sa iyo ng “good morning” , “ingat” o kaya naman “kumain ka na po?” Kase alam mong pinaglaanan ka talaga niya ng piso para lamang mapahatid ang mensaheng iyon… ( yihee!haha’
)
Pero ngayon, taena wala ng basa basa, pag gising sa umaga san tambak na messages!. So, mark all tayo tapos delete.wehehe’ (ganun din ba kyo?ako lng ata, hihi’) Pero syempre, pag galing sa mga mahahalagang tao,sine-save ko yan…hehe’
may mga hindi rin ako gusto sa Globe tulad ng… ah. . . eh . . . hmmm. . . wala ata ako maisip ah. . . teka. . . ahm. . . hmmmm. . . ah iyon . . . naalala ko na. . . KINAIN NILA YUNG 100+ KO NA LOAD! waah! wrong timing pa cla nun!nung mga panahon na yun kse, saktong tipid mode muna ko sa load kase war kme ng mommy ko nun, kaya di ako makakahirit ng load…hehe’ tapus, tae!kakainin pa nila natitira kong load!(parang nananadya nuh??hehe’ ) Di na nabalik! badtrip! hoy! naka ilang tawag ako sa customer service niyo puro i fofollow up! Taena! . . pero sige . . patatawarin ko na kyo, isang taon naman na ang nakakaraan eh…haha’ LOL.
Kaya kayo mag Globe na! Ma-aabot niyo rin ang mundo!
(oh ano, pwede na ba ako sa commercial ng Globe??)
hahaha’ actually, kaya ko sinulat ‘tong post na ‘to kasi nagbabakasakali ako na madiscover ako…wehehe’ charing! haha’
~tadz…walang magawa…
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.






