Sabi nila… Sabi Ko…
April 30, 2009Sabi nila, bakit daw kokonti lang ang mga kaibigan ko…
Sabi ko naman, siguro nga konti lang…pero maipagsisigawan ko naman sa buong mundo na yung konting yun ay mga totoong tao sa buhay ko…eh kayo?
Sabi nila, bakit daw hindi ako nagseseryoso sa pag-aaral…may utak naman ako pero nag-graduate ako na parang walang napatunayan…
Sabi ko naman, may mga tao’t kaibigan ako na naniniwala sa aking kakayahan…alam ko ipinagmamalaki nila ko sa kabila ng aking kakulangan…hangga’t nandyan sila, WALA AKONG DAPAT PATUNAYAN…
Sabi nila, bakit daw matipid akong ngumiti sa mga tao…
Sabi ko naman, masyadong sagrado ang ngiti…dapat galing sa puso’t kaluluwa…kung hindi lang din, wag mo ng ibigay…
Sabi nila, ba’t may pagka-weirdo daw ako…
Sabi ko naman, pano mo ba ilalarawan ang taong weirdo?
Sagot nila, yang ganyan…yang tulad mo…
Sagot ko, yung ganito? yung tulad ko?hehe’
Sabi nila, bakit daw mahilig ako sa mga pelikula at istoryang malulungkot…
Sabi ko naman, sinusubukan ko lang kung talagang nauubos ang mga luha…
Sabi nila, bakit daw mahilig akong magsulat ng mga tulang malulungkot, madidilim…
Sabi ko naman, dun ako masaya, ipagkakait ko pa ba sa sarili ko yon?
Sabi nila, ba’t daw pag may problema ako, parang pasan ko ang mundo…
Sabi ko naman, OA lang ako at OA lang din kayo…waha’
Sabi nila, mahilig daw ako mang-asar…
Sabi ko naman, Lambing ko yun… pasensyahan tayo pag lagi kitang inaasar..hehe’
Sabi nila, magulo ang utak ko…
Sabi ko naman, totoo…pero dahil dun mas nalalaman ko kung sino ang mga taong totoo saken na magtitiyaga na sakyan ang mga trip ko…
Sabi nila, manhid daw ako…
Sabi ko naman, nakakaramdam ako…pero magulo na ang buhay ko, ayoko ng pagaksayahan ng panahon ang mga bagay na lalo pang makakapagpagulo sa buhay ko…
Sabi nila, ba’t ang hilig ko daw mapag-isa…
Sabi ko naman, I find peace of mind when I am alone..doing things on my own…in my own space and time…
Hirit pa nila, pano ko raw ilalarawan ang kaigayahan…
Sabi ko naman, simple, kabaligtaran ng kalungkutan…
Masyado ng magulo ang mundo… wag na nating gawing komplikado…
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







wow tadz kakaiyak 2 hah!!!
Posted by ed at May 1, 2009, 9:54 ampeo mgnda kita ku ung 2nay na ikaw
musta na pla???
gudluck sa UP hah!!!
go3!