Realidad… :)
May 1, 2009Para sakin hatihati ang isipan ng bawat tao sa bawat siswasyon at takb0 ng buhay..
merong tumatakbo ang isipan sa realidad o naayon sa sariling diskarte o di kaya naman eh dumidepende sa mga tao as paligid nya..
Pero sa kung san man o alin man ang pinipili natin sa araw araw hindi pa rin natin maiiwasan ang ika nga eh “realidad ng buhay”..
Katulad na lng nitong mga napagisip isip ko na nakakatawa at NAKAKAINIS pero totoo pala..haha!
Sabi nila sa na dapat pagbigyan ang mga matatanda,babae at me dalang bata sa mga sakayan.(yun ang dapat!! at tinuro satin!)
Pero sa nakikita natin sa araw araw hindi totoo yun..kasi ang totoo..kung ikaw ang nagbayad ng pamasahe mo..
gusto mo na masulit yung bayad mo.(makarating agad sa pupuntahan komportable ang byahe at kung anu-ano pang dahilan)
Sabi nila masama angkinin ang hindi sayo..(yun ang dapat!! at tinuro satin!)
Pero sa nakikita natin sa araw araw hindi totoo yun..kasi ang totoo..kapag ikaw ay nakakita ng isang bagay na naiwan at ikaw lang
ang nakaka-kita at mas lalo na kapag walang paraaan na matukoy ng may ari ang bagay na ito..(halimbawa nakakita ka ng ipod sa bus sa mismong upuan mo..digital camera.shades.
kahit wallet pa..basta.at kung anu ano pa..malamang hindi na ito isosoli..(kasi ang katuwiran wala namang nakakita…ang burara nung may ari buti nga sa kanya..finders keepers.
at madami pang kadahilanan ..)
Sabi nila “no one is above the law”…(yan ang alam at akala natin!!)
Pero sa nakikita natin sa araw araw hindi totoo yun..kasi ang totoo..kapag ikaw ay may ginagawang labag sa batas (pananakit..pagnanakaw…at kung ano pa man na labag sa batas..)
at ikaw ay anak ng opisyal..me kakilala kang mabigat na tao..o meron kang koneksyon..malamang maglaho ang batas..kasi ang totoo hindi ka pababayaan ng mga taong nabanggit..
(kasi ang katuwiran pano pat meron akong ganitong prebiliheyo kung hindi ko din lng gagamitin..o ayaw masira ang pangalan..o first offense lng naman at kung anu ano pa.)
Sabi nila bawal at masama maglagay o magpadulas..(yun ang dapat!! at tinuro satin!)
Pero sa nakikita natin sa araw araw hindi totoo yun..kasi ang totoo..kapag nahuli tayo o nasita tayo sa kalye sa paglabag sa batas trapiko…(traffic light..number coding..one way..
..parking at kung anu-ano pa..) mas gust0 nating areglo na lng..sa pamamagitan ng paglalagay o padulas..
(kasi ang katuwiran natin..mas hassle kung tutubusin pa natin ang lisensya sa opisina..kaya sige na lng..lagay na lng..)
Sabi nila bawal at masama maglagay o magpadulas..(yun ang dapat!! at tinuro satin!)
Pero sa nakikita natin sa araw araw hindi totoo yun..kasi ang totoo..kapag ikaw ay may inaasikasong papeles o dokumento..(sa buwis..sa pagkatao..sa negosyo..at kung ano ano pa)
at malamang gusto nating mapadali..syempre walang ibang paraan kundi magpadulas o maglagay..eh di dun na tayo..mas mabilis..(kasi ang katuwiran eh meron palang mas mabilis na paraan eh..
di dun tayo..)
Ilan lamang ito sa napakaraming katotohanan na mahirap pagtaguan..
Pero kung mas pipiliin natin ang ipinamulat na interpretasyon ng realidad sa atin..(syempre yun yung mga tinuro satin nung bata pa tayo)..hhhmmmm….astig!!!
Pero kung ako man..malamang……..(depende pa din dapat..)
Simpleng analisasyon…
Simpleng realidad..
hahaha..araw araw na buhay buhay lang po..:)
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.






