Home » Post Item » kahon :)
Writing is easy. You just stare at a blank sheet of paper until drops of blood form on your forehead.

kahon :)

May 5, 2009

medyo nag-ayos ako ng kwarto ko kanina…sobrang gulo na kasi, tapos binilinan pa ng erpats ko tsaka ni mother earth ko yung kasambahay namin na wag lilinisin yung kwarto ko, para daw matuto akong kumilos…hehe’

kaya wala ulet choice, nilinis ko mag-isa. habang nililinis ko yung kwarto ko, nakita ko dun sa ibabang parte ng cabinet ko yung sandamakmak na kahon…

Di ko alam kung bakit, pero di ko maitapon ang mga kahon. Alam mo yon? Yung pag bumili ka ng isang bagay na nakalagay sa kahon, o kaya ay may nagregalo sa iyo na naka-kahon, basta kahit anong may kahon, di ko agad ito maitapon. Itatago at itatago ko ito kasi ang nasa isip ko, magagamit ko ito balang-araw. At habang ang araw na yon ay di pa dumarating, patuloy ang pag-iipon ko ng kahon. Patuloy ang pagdami ng naipong kahon hanggang sa di ko na ito mabilang. Katapus-tapusan, dahil sa wala na akong mapaglagyan at dumadami ang kalat, itatapon ko rin pala ito.

Ganon nga lang yata ang buhay… hangga’t maitatago ang isang bagay itatago at itatago natin ito kahit walang mahalagang dahilan. Ganon nga talaga yata ang tao, binibigyan ng “sentimental value” kahit ang pinaka-walang kwentang bagay. At ganon ng yata talaga ang isang bagay, bibigyan at bibigyan ng halaga ng tao bagama’t alam na ito ay isang materyal lamang.

At pagkatapos noon… pagkatapos ng lahat… at sa katapus-tapusan… sa basurahan din ang tuloy.

hm…yun lang…hehe’

:D

Posted by crotchet at 4:23 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment