Home » Post Item » mga katanungan :)
Writing is easy. You just stare at a blank sheet of paper until drops of blood form on your forehead.

mga katanungan :)

May 5, 2009

Saan ka pupunta kung wala kang mapupuntahan? Ano ang kakainin mo kung wala kang makakain? Paano mo ipapaliwanag ang isang bagay na di maipaliwanag? At bakit kaya ang chicken breast ay walang “utong”?

Minsan marami tayong mga katanungan na mahirap hanapan ng kasagutan. At kung minsan may mga katanungan tayong tinatanong kahit alam na natin ang sagot. Parang minsan natutukso akong huwag munang gamitin ang utak ko.

Kung pwede lang sanang i-turn off ang switch ng utak ko, ginawa ko na. Kung pwede lang bang mag-log off sa mga walang katuturang bagay na bigla na lang pumapasok sa guni-guni ko, ginawa ko na. Kung puede nga lang kayang i-out-of-service muna ang utak ko dahil minsan napapagod na rin akong kakaisip, matagal ko na ring ginawa yon.

Kaso hindi nga eh…

hm…Bakit nga ba? [Panibagong nanamang tanong].

Hay, walang katapusang mga tanong.

*************************

Posted by crotchet at 4:44 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment