tutong :)
May 5, 2009
*Ang buhay ay para ding sinaing. sa pagsasaing, kelangan tama lang ang tubig dahil kung mapadami, magiging lugaw ito. Kung kokonti, magiging “popped rice” ito. Sa buhay kelangang tama lang ang tubig para di maging lugaw or “popped rice”. Sa buhay kelangang tama ang diskarte para tama ang takbo.
*Ang buhay ay para ding sinaing. Kelangan bantayan habang niluluto dahil kung hindi, baka umapaw ang “am” magiging batilaw ito. Sa buhay kelangang bantayan ang bawat hakbang at baka magkamali. Sa buhay pag nagkamali ka ng diskarte ikaw rin ang magdurusa.
*Ang buhay ay parang sinaing. Kelangan ingatan na di ito masunog dahil kung magkakataon, tutong ang kakainin mo. Sa buhay kelangang ingatan ang mga desisyon dahil pag nagkataong mali ito di mo na mababago. Sa buhay pag mali ang desisyon mo maaaring magbago ang takbo ng buhay mo.
yun lang po…
BOW…
hehe’
:D
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.






