Home » Post Item » bookstore :)
Writing is easy. You just stare at a blank sheet of paper until drops of blood form on your forehead.

bookstore :)

May 7, 2009

mahilig ako sa mga libro kaya hangga’t maaari, tuwing pupunta kami sa mga mall o kaya gumagala, palagi akong nagyayaya sa mga bookstore para makatingin ng mga libro na magandang bilhin. :)

nung minsan, kasama ko yung mga pinsan kong naghanap ng mga libro ni Ayn Rand tsaka yung book ni Robert Fulghum na “All I Really Need to Know I Learned in Kindergarten.” Habang tumitingin tingin kami, may 2 estudyante na nakatambay doon. eto ang narinig kong usapan nila, (syempre, hindi mo naman maiiwasan na hindi marinig yon..hehe’)

“Halika basahin mo ito.”

“blah blah blah blah” *nagbasa*

“Hahahahaha”

“Heto pa isa basahin mo…”

“blah blah blah blah” *nagbasa ulit*

“Hahahahaha.. nakakatuwa parang gusto ko nang bilhin”

“Tara na… sawa na ako eh.. nabasa ko na!”

haha’ adik nuh…

eto pa…

minsan naman naghahanap ako ng ear plugs…

Ako: Excuse me miss, may ear plugs po ba kayo?

Miss: Ano yun?

Ako: Ear plugs po.

Miss: Naku sorry (mukha pang nairita dahil naistorbo siya) wala kaming ganun, Philippine flags lang meron kami…

wahahaha! “flags” daw oh! :D

eto pang isa, sa bookstore din…

Ako: Miss meron po ba kayong “The Far Side” na libro?

Miss: Ano yon? (iritado pa rin…)

Ako: “The Far Side” po.

Miss: Wala ho kaming libro tungkol sa parasite.

ahahaha’ woohoo! “parasite” daw oh! naisip ko tuloy, baka may suot syang ear plugs non…hihi’ :D

meron pa…

hehe’

Ako: Miss, meron po ba kayong kopya ng “GONE WITH THE WIND?”

Miss: bestseller po ba yang libro na yan?

naku ha…parang walang konek yung sagot nya dun sa tanong ko… :D ang masama pa dun, ang ending, aku pa rin ang pinaghanap nya nung book… :D

nung minsan naman,

Ako: Naghahanap po ako ng poem na format ng Homer’s ILIAD?

Miss: Sino po kaya ang author niyan?

oh my gulay!sinabi ku na ngang Homer eh… :D

Parang dati duon sa National tanong ko kung meron pa silang V.I. Lenin, State and Revolution ang katanung-tanung ba naman saken nung babae, “Sinung author po nyan?” (sinabi ko na nga yung V.I. Lenin eh, para di na sya magtanong…hehe’ :D )

atsaka may isa pa

 “Miss may Shakespeare’s- Merchant of Venice po kayo?

Ang sagot ulet saken “Sinong author yan?”

eto naman nung nasa bahay namen ung pinsan kong bata, hinahanapan ko sya ng libro ni Dr. Seuss kasi nagbilin sya saken ng pasalubong bago ako umalis…favorite nya kasi yon eh. :)

Ako: Miss, wala na ata rito yung mga libro ni Dr. Seuss?

Miss: Wala talaga diyan Ma’am! dun sa Medical books po yun!

hala!.nagmagaling pa oh! :D  porke ba may “Dr.” ,medical book na??hehe’ librong pambata kaya yon… :D

Eto pinaka-WINNER…sinamahan ko yung pinsan kong bumili nung libro na kailangan nya…

Pinsan ko: Miss, meron pa kaya kayo noong GMAT?

Miss: Ah.. ano ba gusto niyo ALGEBRA, TRIGO o CALCULUS?

nyek! ang ibig sabihin kaya ng GMAT, Graduate Management Admission Test… :D naku…diba dapat alam nila yon kasi trabaho nila yung mag-assist sa mga customer… :D

 

hm…yun lang…haha’ nakwento ku lang.. :D

pisawt! :D  

Posted by crotchet at 5:40 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment